Translations:

English  | 中文  |  हिंदी  |  한국어  |  عربي  |  اردو  | Tagalog  | Tiếng Việt

HINDI KA NAG-IISA!

Ang pangangalaga sa ating kalusugang pangkaisipan ang isa sa pinakamahalagang salik sa ating pangkalahatang kalusugan. Ipinaliliwanag ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na may epekto ang ating kalusugang pangkaisipan sa karamihang aspekto ng ating buhay, kabilang ang ating emosyonal, sikolohikal, at panlipunang kagalingan. Sa katunayan, mas karaniwan kaysa inaakala ang karamdaman sa pag-iisip. Ayon sa CDC, “Mahigit 50% ang magkakaroon ng sakit o karamdaman sa pag-iisip sa isang bahagi ng kanilang buhay.”

 

NAKARARANAS KA BA NG ALINMAN SA SUMUSUNOD?

1. Labis na kalungkutan o ilag sa ibang tao nang mahigit sa dalawang linggo

2. Matinding pag-aalala o takot na humahadlang sa pang-araw-araw na gawain

3. Labis na kahirapan sa pagtuon sa mga bagay o pananatiling tahimik

4. Biglaang labis na takot nang walang dahilan, kung minsan ay mabilis ang tibok ng puso, masama ang lagay ng katawan, o hirap sa paghinga

5. Nakababahalang pagbaba o pagtaas ng timbang

6. Nakakikita, nakaririnig, o naniniwala sa mga bagay na hindi totoo

7. Labis na pag-inom ng alak o paggamit ng droga

8. Mga matinding pagbabago sa mood, pag-uugali, personalidad, o mga nakasanayan sa pagtulog

9. Malubha at hindi makontrol na pagsuong sa panganib na nagdudulot ng pinsala sa sarili o sa iba

10. Sinusubukang saktan o wakasan ang buhay ng isang tao o gumawa ng mga plano na gawin ito

 

GAWIN ANG SUSUNOD MONG HAKBANG

Hindi unibersal ang pangangalaga sa iyo. Nakadepende ang kakailanganin mong serbisyo sa sitwasyon at mga pangangailangan. Karaniwang nangangailangan ng kombinasyon ng mga serbisyo, mula sa mga doktor na nagbibigay ng pangunahing pangangalaga hanggang sa mga propesyonal na makatutulong sa mga partikular mong pangangailangan. Maaari mong suriin ang mga resource sa ibaba.

MGA RESOURCE NG BCBS NA ESPESIPIKO SA MARKET

MGA RESOURCE PARA SA MGA SERBISYO

Kung may seguro ka, alamin sa kompanya ng seguro kung sino ang malalapitan mo sa iyong network.
Kung tumatanggap ka ng Medicaid o Medicare, o walang seguro, gamitin ang sumusunod na mga resource.

Emergency Assistance
Telepono: 911

Crisis Text Line
Text: HOME” to 741741

National Suicide Prevention Lifeline
Tawag o text: 988

National Mental Health Hotline
Telepono: (866) 903-3787

24-Hour LGBT National Hotline
Telepono: (888) 843-4564

National Domestic Violence Hotline
Telepono: (800) 799-SAFE (7233)

National Sexual Assault Hotline
Telepono: (800) 656-HOPE (4673)

Pagtukoy sa Lokasyon ng Provider ng Substance Abuse and Mental Health Services Administration (SAMHSA): https://findtreatment.samhsa.gov/

MGA PROVIDER NG SUPPORT SERVICE

Nagbibigay ang support service na mga propesyonal ng mga espesyalisadong serbisyo para mapabuti ang iyong kalusugang sosyal, emosyonal, pisikal, at pangkaisipan. Maraming uri ng mga ganitong propesyonal. Ilang halimbawa ang nasa ibaba. Makipag-usap sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga para mapag-usapan kung sinong (mga) propesyonal ang angkop sa iyo.